TWC Supports TESDA Anniversary through Women's Empowerment Forum

08-22-2023


Bilang bahagi ng ika-29 na taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng TESDA, inorganisa ng TWC ang ikalawang bahagi ng "Talakayan sa TESDA" na pinamagatang: "TVET ang Choice ni Juana sa Bagong Pilipinas - A Women's Empowerment Forum" noong ika-22 ng Agosto 2023 sa Events Center ng SM Megamall, Mandaluyong City.


Ang mga sumusunod na panauhing tagapagsalita ay nagbahagi ng kanilang kadalubhasaan, kaalaman, at karanasan may kinalaman sa adbokasiya ng women's empowerment: Ginoong Ronald Joson, Direktor ng Customer Satisfaction Department ng Samsung Philippines; Atty.Judie Rose Tugado Dimayuga, miyembro ng Philippine Commission on Women's National GAD Resource Pool; at Maria Ruela Caranto, isang TWC graduate ng Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS) NC II.


Tinalakay sa Forum ang mahahalagang isyu hinggil sa paglahok ng mga kababaihan sa labor market kaagapay ang mga industry partners ng TESDA, gayundin ang pantay na karapatang pantao ng mga kababaihan sa edukasyon at pagsasanay, at laban sa pang-aabuso at karahasan habang nagbigay inspirasyon sa mga Juana na abutin ang kanilang buong potensyal sa pamamagitan ng mga libreng skills training at scholarship programs ng TESDA.


Isang makabuluhang Pambungad na Pananalita ang inihatid ng Deputy Director General for TESDA Policies and Planning at Chairperson ng GAD Focal Point System, DDG Rosanna Urdaneta, para sa mga tagapakinig. Habang ang Pangkalahatang Ideya ng Programa ay inilahad ng Acting Chief ng TWC, Bb. Mylene Somera gayundin ang Buod ng Programa ay iniharap ng Acting Assistant Executive Director ng Planning Office at Chairperson ng GFPS Technical Working Group, Bb. Katherine Amor Zarsadias.


Ang forum na dinaluhan ng maraming kalahok mula sa iba't ibang bahagi sa Pilipinas ay pinangunahan ng moderator ng programa, Bb. Joenna Tabu Tattao, miyembro ng GFPS Secretariat, sa pakikipagtulungan ng nga mga mangagawa mula sa TWC.