TWC Celebrates Talent, Culture and Creativity at Trainees' Socialization & Cultural Activity Day

๐“๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐š๐ญ ๐Š๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐ฌ๐šโ€”๐’๐š๐›๐š๐ฒ-๐ฌ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐–๐‚!

Noong Setyembre 21, 2026, masayang ipinagdiwang ng TESDA Womenโ€™s Center (TWC) ang Traineesโ€™ Socialization & Cultural Activity Day na may temang:

โ€œMagkaibang Larangan, Iisang Lahi: Celebrating Heritage, Uniting Minds.โ€

Kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month ngayong buwan ng Setyembre, binigyang-pugay ang galing, talento, kultura, pagkamalikhain at husay ng mga Pilipino bilang mahalagang bahagi ng ating pag-unlad bilang bansa.

Umani ng saya at excitement ang Singing at Dance Contests, kung saan ipinakita ng ating mga trainees ang kanilang husay, creativity at confidence. Higit sa kompetisyon, naging pagkakataon ito para malayang maipahayag ang sarili, makipagtulungan at magkaroon ng bagong pagkakaibigan.

Nanguna sa Singing Contest ang Bartending NC II, na itinanghal na 1st Place, sinundan ng Cookery NC II bilang 2nd Place, at SMAW NC II bilang 3rd Place. Sa Dance Contest, itinanghal namang 1st Place ang EPAS NC II, habang SMAW NC II at Cookery NC II ang nakakuha ng 2nd Place at 3rd Place, ayon sa pagkakasunod.

Sinundan ito ng Mr. and Ms. TWC, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang confidence, personality at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga cultural presentations.

Itinanghal bilang Mr. and Ms. TWC sina Mr. Jahrell Agbayani at Ms. Lexi Lovely Descamento ng Barista NC II, habang 1st Runners-Up sina Mr. Joshua Abraham at Ms. Danica Aquinde ng Events Management Services NC III, at 2nd Runners-Up naman sina Mr. Daniel Bautista at Ms. Melody Villadar ng EPAS NC II.

Isa sa mga tampok ng kompetisyon ang paggamit ng recycled at repurposed materials mula sa kani-kanilang training programs bilang materyales sa paggawa ng cultural costumes.

Patunay ito na ang mga bagay na karaniwang ginagamit sa skills training ay maaaring maging makabuluhan, malikhaing obra at bahagi ng ating kulturaโ€”habang isinusulong ang pagiging resourceful at pangangalaga sa kalikasan.

Sa TWC, ang pagkatuto ay hindi lamang tungkol sa skills. Kasama rin dito ang paghubog ng confidence, creativity, camaraderie, cultural appreciation at respeto sa diversity.